Live TV Channels
Pacquiao Vs Marquez





Handa at kasado na sana ang elite strike force ng militar na sumaklolo sa hostage incident sa Quirino Grandstand noong nakaraang Lunes ngunit hindi sila nakaaksyon dahil sa kawalan ng official request mula sa pulisya.

Sa ambush interview kay Defense Sec. Voltaire Gazmin sa Libingan ng mga Bayani kahapon, inamin nito na handa na ang nasabing elite group ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) na sumaklolo sa Manila police noong mga krusyal na oras ng hostage crisis at naghihintay na lamang sila ng tawag o request ngunit dahil sa kawalan nito ay nananatiling walang pagkilos ang kanilang pangkat.


more