NAPAPAG-USAPAN ngayon ang intrigang may problema ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Akala namin, gimik lang ito sa nalalapit na concert nina Dingdong at Rachel Alejandro na Even Now, pero itinatanggi ‘yun ng ilang taong malapit kay Dingdong.
Hindi raw ito papayag na gamitin sa publicity ang relasyon nilang mag-asawa. Pumutok ang ganitong intriga dahil sa isang insidente sa isang mall show ni Jessa Zaragoza sa Imus, Cavite kung saan nag-away raw ang mag-asawa na maraming nakasaksi.

|