UMIIYAK si Liezel Sicangco na tumawag sa amin kahapon dahil sa mga komentong nakarating sa kanya.
“Pinagmumukha nila akong pera! Hindi po totoo iyun! For 20 years na pinagsamahan namin ni Robin, kaya ko pong ilabas ang mga ebidensya na hindi po totoo ang mga sinasabi nila,” pahayag ni Liezel kaugnay sa inilabas na ibinili ito ng lupa sa Pampanga worth P2M, pati ang tatlong bahay raw sa Australia na ibinigay sa kanya at ang $2,500 na natatanggap nitong sustento para sa anak nilang si Zhenzhen na nag-aaral sa Australia.

|