Live TV Channels
Pacquiao Vs Marquez






MANILA, Philippines - Muling binuhay sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ilipat sa Setyembre ang pagbubukas ng klase tuwing Hunyo upang makaiwas ang mga estudyante sa matinding pagbaha at tag-ulan.

Sa Senate Bill 2407 na inihain ni Senator Franklin Drilon, sinabi nito na dahil sa tumitinding problema sa climate change dapat nang maisabatas ang paglilipat ng school year upang maiiwas ang mga mag-aaral sa mga buwan kung saan matindi ang ulan.



more